Mas Pinalakas, Mas Pinahusay at muling Titindig ang mga atletang Clarkians.
Nagpakitang gilas sa lakas at tibay ng katawan sa pag dipensa at opensa, liksi at bilis sa pag-didribol ng bola at husay sa pagpuntos ang mga susunod na manlalaro ng Clark College of Science and Technology sa dinaos na Men’s Basketball and Volleyball Tryout nitong Martes sa Duquit Covered Court.
Kasabay ang bagong panuruan, kaakibat ang mga bagong mukha na magsisilbing kinatawan ng CCST para sa mga paparating na kompetisyon. Isang napakalaking responsibilidad ang nakaatang ngunit sa sipag at determinasyon mapapatunayan ang totoong kahusayan ng CLARKIANS. Pagbati sa mga indibidwal na napagtagumpayang mapili dahil sa kanilang angking talento at husay.
Isinulat ni Jeric Yumul





